Lunes, Agosto 22, 2016

Ako



Ako
Chairil Anwar
(salin ni Rogelio Mangahas)
Pagsapit ng aking panaho’y
Ayokong marinig ang iyak ng sinuman,
Maging sa iyo
Ilayo ang lahat ng umiiyak!
Ako’y naririto, isang hayop na mabangis,
Natiwalag sa mga kasama
Mga punglo’y maaaring maglagos sa balat ko
Ngunit ako ay magpapatuloy,
Mga sugat at sakit ang taglay sa pagsulong,
Sumasalakay,
Sumasalakay,
Hanggang sa maglaho ang tiisin
At lahat ay wala nang anuman sa akin
Nais kong mabuhay nang sanlibong taon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento